Walong sundalong Pinoy ang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan dulot ng mga agresibong aksiyon ng China Coast Guard (CCG) laban sa resupply boats ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal noong Linggo, Hunyo 17.

Walong sundalong Pinoy ang sugatan nang kuyugin ng China Coast Guard (CCG) ang kanilang inflatable raft habang nagsasagawa ng resupply and rotation mission sa Ayungin Shoal noong Linggo, ayon sa ulat ng DZBB ngayong Martes, Hunyo 18.

Isa sa mga sugatang sundalo ay naputulan ng isang daliri sa insidente.

Base sa mapagkakatiwalaang source, iniulat ng DZBB na kinumpiska rin diumano ng CCG personnel ang mga armas ng walong sundalong Pinoy at binutas din ang apat na inflatable raft na kanilang sinasakyan sa pagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Subalit kinalaunan ay isinauli rin ng CCG ang inflatable raft ng PCG matapos negosasyon sa pagitan ng dalawang grupo.

Iginiit naman ni Dr. Renato de Castro, isang defense analyst, na mayroong ulat mula sa US authorities na may isang sundalong Pinoy na malubhang nasugatan nang bombahin diumano ng CCG sa resupply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal na nangyari noong Linggo.

“Napansin ko minsan dine-delay po ang paglalabas ng impormasyon ng gobyerno o Armed Forces kapag may nasaktan. Hindi lang po nakalagay doon (report) na hindi lang ‘injured’ subalit ‘severely injured,’” sabi ni de Castro.

Sa panayam ng DZBB ngayong Martes, sinabi ni defense analyst Dr. Renato de Castro na posibleng sadyang hindi nilalabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang diumano’y detalye hinggil sa kondisyon ng isang sundalo na binomba ng tubig ng CCG dahil pinaplantsa pa nito ang kanilang susunod na hakbang kaugnay sa insidente.

Sinabi rin ni de Castro na sa pagkakataong ito ang Pentagon na ang naglabas ng matapang na pahayag hinggil sa insidente. “Dati po ang naglalabas ng statement ay US State Department. Ngayon po ay Pentagon na,” dagdag niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *