Inatasan ng Court of Appeals sa Dili, Timor-Leste ngayong Huwebes, Hunyo 13, na isailalim si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa house arrest, dahil itinuturing siyang “flight risk.”
“Given the facts above, it is concluded that the risk of flight persists for the extraditee, especially since he has the financial means to leave Timor-Leste,” pahayag ng korte sa Timor Leste.
Batay sa datos na ibinigay ng Timor-Leste media agency Hatutan, binanggit ng korte na si Teves ay nahaharap sa mga kaso ng multiple murder sa Pilipinas at dumating sa Timor-Leste sakay ng private plane noong Abril 2023.
Binanggit ng korte na siya ay naninirahan sa isang inuupahang bahay na $10,000 monthly rent kasama ang kanyang asawa , dalawang anak, at may 20 empleyado na kinabibilangan ng mga Pinoy at Timorese.
“I order… the arrested individual below named is to be taken to House Arrest at his residence to await further extradition proceedings,” saad pa ng korte.