Hindi sumasang-ayon ang Alliance of Concerned Teachers, Congress Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (Contend) at Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa utos ni Marcos para sa mga ahensiya ng gobyerno at mga pampublikong paaralan na kantahin at bigkasin ang bagong hymn at pledge.
Kinuwestyon ng grupong Contend ang legalidad ng Memorandum Circular No. 52 at iginiit nito na ang direktiba ni Marcos ay salungat sa Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.
Binanggit ng grupo ang mga legal arguments hinggil dito ay binuhay ni dating dean ng Far Eastern University Law School na si Mel Sta. Maria, na nagsabing ang Flag Law ay hindi nagbigay sa Office of the President ng anumang kapangyarihan na lumikha o magdagdag ng bagong hymn o pledge para sa flag ceremony.
Sa post niya umano sa X, sinabi ni Maria na ang batas mismo ay nagbigay na ng oath of allegiance.
Para sa Contend, ang utos ni Marcos ay nagpapaalala sa tema ng “Bagong Lipunan” (Bagong Lipunan) noong panahon ng batas militar noong panahon ng kanyang ama.
“The introduction of the Bagong Pilipinas hymn and pledge seems to evoke this dark chapter in our history, glorifying an era that brought suffering to countless citizens,” ang sabi ng grupo.
Ulat ni Benedict Avenido