Itinatag ng mga dating miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) at Magdalo ang bagong partido pulitikal na Reform PH Party sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, nitong Lunes, Hunyo 10, ng hapon.

“Ang mga pangunahing prinsipyong ‘We Belong’ at ‘Unity through Reforms’ mula sa RAM, kasama ang ‘Our Dreams Shall Never Die’ mula sa dating mga miyembro ng Magdalo, ay sumasalamin sa isang kolektibong pangarap para sa mas magandang kinabukasan ng bansang Pilipinas,” sabi ni dating Philippine Navy Captain James Layug.

“The Reform Party is born out of a deep commitment to realizing a vision of a strong, equitable and prosperous Filipino Nation,” ayon sa joint statement na binasa nila dating Senador at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio ‘Gringo’ Honasan at Layug, na dating naupo bilang assistant secretary ng Department of Agriculture.

Itinyo ang Reform PH Party apat na buwan bago ang paghahain ang certificate of candidacy ng mga tatakbo sa May 2025 midterm elections.
Kasama rin sa launch ceremony si dating Anakalusugan party-list congressman Mike Defensor.

“We are unwavering in our dedication to building a nation grounded in patriotic spirit, a nationalist economy and social balance. Our commitment to safeguarding national interests, promoting Filipino identity and fostering equitable development knows no bounds,” saad ng grupo.