Inatasan ng Malacañang ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at ang mga eskuwelahan na isama ang Bagong Pilipinas hymn at panata sa lingguhang flag ceremonies.

“For this purpose, the heads of all national government agencies and instrumentalities shall ensure that the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge, which are annexed to this Circular, are properly disseminated within their respective institutions and offices,” ayon sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Hunyo 4.

Sinabi ng Malacañang na ang kautusan na ito ay naglalayon na maisapuso ng mga kawani ng pamahalaan at mga estudyante ang mga prinsipyo at tunay na diwa ng “Bagong Pilipinas” na isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang Bagong Pilipinas ay nilungsad ng pamahalaan bilang branding ng pamunuan na may prinsipyo, pananagutan at maasahan na pinagtibay ng sama-samang at may pagkakaisang puwersa ng sambayanan.

Layon ng nationwide campaign na bigyan ng kapangyarihan ang mga Pinoy na sumali sa mga aksyon ng pamahalaan para sa isinusulong na socio-economic transformation sa lahat ng sektor ng lipunan.

“The Presidential Communications Office is hereby directed to implement effective measures to communicate and disseminate the Bagong Pilipinas Hymn and Pledge to all government offices and the public,” it added.

Ulat ni T. Gecolea