Pinaalalahan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mga Pinoy na huwag magpapadala sa panibagong akusasyon ng China laban sa mga sundalong Pinoy na diumano’y tinutukan ng baril ang kanilang puwersa sa West Philippine Sea kamakailan.
“Gaslighting. That seems to be the latest tactic China appeared to have employed to divert public attention to the fact that they have, and it has been caught on video, harassed our troops as they tried to intercept the supply packages airdropped by a military aircraft for those stationed in the BRP Sierra Madre,” sabi ni Estrada.
“Hindi natin papayagan ang mga ganitong paratang para dungisan reputasyon ng ating mga magigiting na sundalo. Ang Ayungin Shoal ay bahagi ng ating teritoryo at tungkuling ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard na protektahan ito mula sa mga ilegal na mga aktibidad,” giit niya.
Ito ay matapos maglabas ng video ang China kung saan makikita ang mga sundalong Pinoy na nagmamando ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na may bitbit na baril subalit hindi ito nakatutok sa mga tauhan ng China Coast Guard.
“China must immediately cease its illegal, coercive, aggressive, and deceptive actions. The world is watching, and history will judge those who violate the principles of peace, respect, and cooperation,” ani Sen. Jinggoy.