Kinakailangan ng mas malakas at matibay na momentum ng mga gobyerno para sa pagkilos laban sa epekto ng climate change na base sa agham, ebidensiya at tradisyonal na kaalaman.
Ito ang pahayag ni Undersecretary Robert E.A. Borje ng Climate Change Commission sa nagaganap na 60th Sessions of the Subsidiary Body for Scientific and Technological Advice (SBSTA) and the Subsidiary Body for Implementation (SBI) sa Germany kamakailan.
Nanawagan si Borje para sa agarang aksyon para sa pinahusay na katatagan at mababang antas ng carbon at sustainable development.
Ang pagbabago ng klima ay isa sa pinakakomplikadong banta sa kaligtasan ng mga mamamayan ng Pilipinas, ayon sa 2023 World Risk Report.
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire na madalas makaranas ng paglindol at pagputok ng bulkan.
Ulat ni T. Gecolea