Sa kanyang talumpati sa ika-148 Commencement Exercises ng RSU na may paksang “Transcending Borders: Embracing Change, hinimok ni Speaker Martin Romualdez ang mga bagong graduate’s ng Romblon State University na gamitin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagpapa-unlad ng bansa.
“Your education and experiences here at [RSU] have equipped you with the tools and knowledge to make a meaningful impact in our society. Let us work together towards creating a better and brighter future for our nation,” sabi ni Romualdez.
Kinilala rin ng lider ng Kamara de Representantes ang mahalagang papel na gagampanan ng mga nagsipagtapos sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.
“I urge you, my dear graduates, to take an active role in nation-building and shaping the future of our beloved Philippines,” ani Romualdez.
Pinangunahan din ni Romualdez, pinuno ng higit sa 300-kinatawan sa Mababang Kapulungan, ang paglulunsad ng University Information System (UIS) ng RSU na mahalagang bahagi ng ICT Modernization Program ng unibersidad.