Nakarating ang pinakamalaking at natatanging motorized balangay sa bansa sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea nitong Martes, Hunyo 4, ng gabi upang magsagawa ng isang medical mission.
Layunin ng grupo na itaguyod ang karapatan ng bansa sa territorial waters nito na ilegal na pinasok ng mga Chinese vessels.
Ang modernong balangay ay umalis sa Pantalan ng Lungsod ng Butuan noong Mayo 27 na lulan ng 19 Pinoy crew. Ang balangay, na pinangalanang “Florentino Das” na may mga couch at air conditioning unit sa cabin. Mayroon din itong Wi-Fi.
Sa paggamit ng makasaysayang balanghay, binigyang-diin ng dating undersecretary ng binuwag na Department of Transportation and Communications (DOTC) na si Art Valdez nais nilang ipakita sa China na ang mga Pilipino ay naglalayag na sa West Philippine Sea ilang siglo na ang nakararaan bago pa nagsimula ang kanilang panghihimasok nitong mga nakaraang taon.
“Our message here is humanitarian and peace, let we be reminded that Filipinos riding in a boat like this thousands of years ago have fought symbolically to all invaders,” ani Valdez.
“We show to the whole world that this boat has been plying in this waters for thousands of years… long before China tries to claim historical rights,” dagdag pa ni Valdez.