Palaisipan sa marami kung bakit hindi nagpakita si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa signing ceremony para Republic Act 11997 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na ginanap sa Malacanang nitong Lunes, Hunyo 4.
Ayon sa insiders sa Palasyo, walang ibinigay na rason ang tanggapan ni VP Sara sa kanyang hindi pagdalo sa seremonya, na isang malaking development sa hanay ng mga guro sa bansa dahil ito ang magbibigay daan para sa kanilang additional bonus.
Nakasaad sa batas na magdadagdagan mula P5,000 at gawing P10,000 ang annual bonus ng mga teachers para may panggastos sa pagbili ng mga gamit pang-school tulad ng ballpen, chalk, eraser, pad paper, at iba pa.
Wala ring maibigay na dahilan ang
Malacanang sa hindi pagdalo ng Ikalawang Pangulo sa seremonya.