Ikinatuwa ni Sen. Loren Legarda ang paglagda sa batas ng Republic Act 11995, o ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (Pencas) Act, na tinawag itong isang makabuluhang hakbang sa pagsasama ng environmental sustainability sa economic framework ng bansa.
“It is a data-driven approach that will inform policymaking, allocate resources efficiently, raise public awareness, and align with global sustainability goals, solidifying the importance of preserving these invaluable natural assets for economic and environmental well-being,” pahayag ni Legarda.
Ang Republic Act 11995 ay nag-uutos na isama ang mga likas na yaman ng bansa bilang isang mahalagang bahagi ng national economy, supplementing traditional metrics tulad ng gross domestic product at human capital.