Iniulat ng survey ang Social Weather Stations (SWS) na base sa inilabas nitong survey noong Biyernes, Mayo 31 tungkol sa kung ilan ang sumasang-ayon at ilan ang kontra sa divorce.
Isinagawa ang survey nitong Marso 21-25 sa isyu na: “Married couples who have already separated and cannot reconcile anymore should be allowed to divorce so that they can get legally married again.”
Ang resulta: 50 porsiyento ang sumasang-ayon, 31 porsiyento ang hindi sumasang-ayon, at 17 porsiyento naman ang undecided.
“Net agreement with legalizing divorce was very strong among men and women with live-in partners compared to moderately strong levels among widowed or separated women, men who have never married, women who have never married, widowed/separated men, married women, and married men,” aniya SWS.
Binanggit din ng pag-aaral na ang suporta para sa legalisasyon ng divorce ay napakalakas sa Metro Manila, na may katamtamang malakas na antas sa Balance Luzon at Visayas, at Mindanao na neutral.
Sa aspeto ng relihiyon, nasa katamtamang malakas na antas ang diborsiyo sa iba pang mga Kristiyano, Katoliko, at Muslim, habang ito ay mahina sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.
Ang survey ay isinagawa nang face-to-face sa 1,500 na nasa hustong gulang – 600 sa Balance Luzon (Luzon sa labas ng Metro Manila), at 300 bawat isa sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Sa kabuuang respondents, 13 porsiyento ay mula sa Metro Manila, 45 porsiyento mula sa Balance Luzon, 19 porsiyento mula sa Visayas, at 23 porsiyento mula sa Mindanao.
Kalahati ng mga respondents ay lalaki habang ang natitirang kalahati ay babae.
Ulat ni Benedict Avenido