Nangako ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na palalawigin pa ang 32 taong relasyong diplomatiko ng dalawang bansa kasundo ng plano ng gobyerno ng Ukraine na buksan ang embahada nito sa Maynila sa kasalukuyang taon.
“That’s certainly very good news because we would very much like to continue to help, in any way, that the Philippines can through the multilateral and United Nations and even through other agencies such as the EU, such as the UN,” sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay President Volodymyr Zelenskyy.
“I am also very happy that this year we will open embassy in Manila,” sinabi ni Presidente Volodymyr Zelenskyy pagkatapos ng bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang Palace ngayong Lunes, Hunyo 3, ng umaga.
Dumating si Presidente Zelenskyy sa Maynila noong Linggo ng gabi para sa isang araw na working visit matapos ang 21st edition ng International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore na dinaluhan ni Marcos
Thank you for this invitation, and we’re very thankful to be in here in your country, and, which supports Ukraine, our territorial integrity and sovereignty. Thank you so much for your big word and clear position about us, about for this Russia occupation of our territories, and thank you on your support,” pahayag ni Zelenskyy kay Marcos.
Ulat ni T. Aviles