Pumalo na sa 57 porsiyento ng mga Pinoy ang sumusuporta sa panukalang amiyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution, ayon sa pinakahuling survey ng Tangere.
Lumitaw sa isinagawang survey ng Tangere noong Mayo 21-25 na tumaas ng dalawang porsiyento ang mga Pinoy na pumapabor na baguhin ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Ipinunto rin ng survey company na anim hanggang pito mula sa 10 respondents ang naniniwala sa mabuting maidudulot kapag inamiyendahan ang mga economic privisions ng Saligang Batas, kabilang ang pagkakaroon ng karagdagang trabaho (72 porsiyento), malakas na ekonomiya (68 porsiyento), pagtaas sa suweldo at benepisyo ng mga manggagawa (67 porsiyento), at pagbaba ng presyo ng mga bilihin at serbisyo (63 porsiyento).
“Strong support is observed among respondents from Metro Manila, Southern Luzon, and Bicol Region, [while] disagreement is more common among respondents from Mindanao and Central Luzon, and from the upper-income classes,” ayon sa Tangere.
Sinagot ang survey forms ng 1,500 participants gamit ang isang mobile-based app na inihanda ng Tangere.