Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga “remarkable accomplishment” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang araw na state visit nito sa Brunei na magpapalakas sa bilateral relations at economic cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
“President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s state visit to Brunei has been a resounding success, marked by significant achievements that will undoubtedly bolster our nation’s economic and diplomatic standing,” sabi ni Romualdez.
“The House of Representatives extends its heartfelt congratulations to the President for his adept leadership and vision in fostering closer ties with Brunei,” giit ni Romualdez na kabilang sa delegasyon sa Pilipinas na nagtungo sa oil-rich country.
Sa kanyang state visit, ginanap ang mga high-level meetings sa pagitan ni Marcos at Sultan Haji Hassanal Bolkiah at iba pang opisyal ng gobyerno na natuloy sa paglagda ng mahahalagang kasunduan sa turismo at maritime cooperation.
Nilagdaan ni Marcos at Bolkiah ang kasunduan sa Mutual Recognition of Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) at iba pang kasunduan sa food security at agricultural cooperation.