(Photo courtesy by PTV)
Idineklara na ng Anti-Terrorism Council (ATC) si suspended Negros Oriental Third District Rep. ng na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at 12 iba pa bilang mga “terorista” kaugnay sa nangyaring pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Itinuring din ng ATC council ang mamababatas bilang pinuno ng “Teves Terrorist Group.”
Bukod kay Teves, kabilang din sa minarkahan ng ATC bilang mga terorista sina si Nigel Electona, Tomasino Aledro, Rogelio Antipolo, Hannah Mae Oray, Rommel Pattaguan, Winrich Isturis, John Louie Gonyon, Dahniel Lora, Eulogio Gonyon Jr., at Jomarie Catubay, kapatid ni Teves na si dating gobernador na si Pryde Henry Teves, at ang bagman na si Marvin Miranda.
Sa resolusyon ng ATC na inilabas noong Hulyo 26, tinukoy si Cong. Teves bilang lider at utak ng grupo, habang ang kanyang kapatid at si Electona ay nagbigay umano ng “material support” sa grupo.
Nauna nang bingaggit ni Justice Secretary Crispin Remulla na maaaring italaga o ituring na terorista si Teves.
“Sa kaso na ito, ang mga aktibidad na nagdulot sa pagpatay noong ika-4 ng Marso, ay saklaw ng batas kontra-terorismo: ang pagrerekrut, pondo, pagbili, at pamamahagi ng mga baril,” sabi ni Remulla.
Huling namataan sa Timor-Leste ang mambabatas dahil umano sa banta sa kaniyang buhay. Ilang ulit na ring inihayag ni Teves na wala siyang balak bumalik sa bansa sa pangambang hindi nito makakamit ang hustisya sa kasalukuyang administrasyon.