Ipinatupad ang manual load dropping (MLD) o rotational power interruptions nitong Lunes, Mayo 28, ng gabi dahil sa red alert na itinaas sa Luzon grid na nakaapekto sa humigit-kumulang 100,000 customer sa Bulacan, ayon sa Manila Electric Company (Meralco). CAP:
“The supply deficiency last night prompted Meralco to implement manual MLD that lasted around 20 minutes to an hour starting at 8:31 p.m., affecting around 100,000 customers mostly in parts of Bulacan. All services were restored by 10:00 p.m.,” ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.
Matapos muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa red at yellow alert ngayong Martes, Mayo 28, sinabi ng Meralco na nagsimula na itong makipag-ugnayan sa mga customer na naka-enroll sa ilalim ng Interruptible Load Program (ILP) para sa kanilang power de-loading commitments.
“The continued participation of our big-load customers proves to be very beneficial in managing the current supply situation. They collectively de-loaded around 300 MW yesterday, helping minimize rotational power interruptions despite the hours-long Red Alert that started at 1:00 p.m.,” sabi pa ni Zaldarriaga.