Sa paggunita ng National Flag Day ngayong Martes, Mayo 28, hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pinoy na magkaisa at sabay-sabay na iwagayway ang pambansang bandila laban sa nangyayaring pambu-bully at pananakot ng banyagang puwersa.
“We may encounter bullying or intimidation from foreign nations but let us stand tall and wave our flag with pride. Let it be known that the Filipino spirit is resilient and resolute,” pahayag ni Romualdez.
“In these times, when we face challenges and pressures from outside forces, let us not be daunted. The world may be vast and sometimes overwhelming, but our spirit as Filipinos is unbreakable,” ayon sa lider ng Kamara.
Iginiit ni Romualdez na ang bandila ng Pilipinas ay simbolo ng soberenya at pagkakaisa na pruweba ng katapangan ng Pinoy na lumaban sa mga nagtakang sakupin ang bansa ilang dekada na ang nakakaraan. Ito, aniya, ay dapat isapuso ng bawat mamamayan.
“It is a reminder that we are a nation capable of greatness. Let us come together, shoulder to shoulder, and face any adversity with the same bravery our ancestors showed. By standing firm and united, we can overcome any challenge that comes our way,” giit niya.