Nilagdaan na ng Pilipinas at Sweden sa isang kasunduan ang pagbili ng multi-role fighter (MRF) aircraft para sa Philippine Air Force (PAF).
Tinaguriang “Implementing Arrangement Concerning the Procurement of Defense Materiel and Equipment,” ang deal ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagbili ng Swedish-made defense equipment.
Nilagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan noong Mayo 17, sinabi ng Embahada ng Sweden sa Manila sa official Facebook page nito.
“The logistics cooperation is part of the commitment of the two countries under the Memorandum of Understanding (MOU) concerning cooperation in the acquisition of defense materiel signed by the two countries on 3 June 2023, ratified on the same day by Sweden and by the Philippines on 4 September 2023,” pahayag ng embahada.