Mahigit 3,000 solar-powered lights na hugis ng Ghaf Tree, na pambansang simbolo ng United Arab Emirates, na gawa ng mga estudyante ang nagtakda ng bagong Guinness World Record para sa ‘Large Solar Power Light Bulb Display’ na ginanap sa Dubai.
“We’re learning how to do something that some people wish to learn about – how to make light, how to help people, how to help people around the world and make a difference,” pahayag ni “Jana,” isa sa mga mag-aaral na nasa likod ng matagumpay na proyekto.
Target ng record-setting initiative ay upang itaas ang kamalayan sa mga mamamayan sa kahalagahan ng renewable energy at sustainability gamit ang solar power.
Ang lanterns, na likha ng mga mag-aaral sa UAE, ay ipapamahagi sa mga liblib na lugar sa Pilipinas na walang kuryente.
“Making a difference at a young age, it basically motivates us to make a difference at an older age where we are more socially responsible,” ayon kay Jana.