Ikinabahala ni ACT-CIS party-list Erwin Tulfo ang impormasyong kanyang natanggap hinggil sa diumano’y pagabayad ng mga Chinese students’ ng ₱1.2 milyon para makakuha ng diploma sa mga unibersidad sa bansa, partikular sa Cagayan province.
Sa pagdinig ng House Committee on Justice, nanawagan si Tulfo sa kanyang mga kasamahan na imbestigahan ang mga financial transactions ng mga educational institutions dahil sa aniya’y kaduda-dudang pagdagsa ng mga Chinese sa Cagayan na malapit sa mga EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) sites kung saan naglalalagi ang mga US troopers.
Mismong si Cagayan 3rd District Rep. Joseph Lara ang nagsabi na aminado diumano ang mga opisyal ng St. Paul University sa Tuguegarao City na nagbabayad ng P1.2 milyon ang kada Chinese student para mapakapagtapos sa naturang paaralan.
Sinabi rin ni Tulfo na maging sa mga bayan ng Enrile at Sta. Ana ay bumabaha na rin ng Chinese students na aniya’y posibleng banta sa seguridad ng bansa.