Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawing priyoridad ng gobyerno ang rehabilitasyon ng Maharlika Highway sa Visayas region na nagtamo ng pinsala dulot ng Super Typhoon ‘Yolanda’ noong Nobyembre 2013.
“Well, it’s part, it’s always part of the continuing plan for the rehabilitation because even up to now, hindi talaga pa tayo nakapag-fully recover (mula sa Typhoon Yolanda),” sabi ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
“All those rehabilitations, you know, we only really started two years ago. Because nothing was done in the previous administration, nothing was done in the administration before that,” pahayag ng Pangulo sa media nitong Lunes, Mayo 20.
Siniguro din ni PBBM na may sapat na pondo gobyerno sa Maharlika Highway rehabilitation kaya walang dahilan upang maantala ang pagsasaayos nito at maibalik ang sigla ng ekonomiya sa rehiyon.