Nagmamay-ari si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng mahigit 16 na sasakyan batay sa mga dokumentong nakalap ng tanggapan ni Senator Risa Hontiveros, chairperson ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Sa pagdinig sa Senado nitong Miyerkules, Mayo 22, ipinakita ni Hontiveros ang ilang larawan ng nasabing mga sasakyan kabilang dito ang mga sports utility vehicle, pick-up truck, closed van at dump trucks.
“Hindi ko na siya assets. Buy and sell din po kasi ang negosyo sa Westcars kaya may umiikot na sasakyan. Pero ang sasakyan na gamit ko ngayon GAC,” paliwanag ni Guo.
Sinabi ni Guo na siya ay kabilang sa mga incorporators ng Westcars. Iginiit din ng alkalde na mayroon din siyang piggery, meat shop, sakahan, at embroidery shops.