Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaluklok kay Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero bilang lider ng Senado sa ginanap na botohan ng mga senador upang mapatalsik sa puwesto si Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri nitong Lunes, Mayo 20.
“Senator Chiz steps into this role following the commendable tenure of Senator Migz Zubiri, and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas,” ayon kay Marcos.
Sa kanyang official statement, naniniwala si Marcos na malaking tulong ang malalim na legislative credentials ni Sen. Chiz upang maisulong ang priority programs ng gobyerno sa ilalim ng Bagong Pilipinas campaign.
“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader,” giit ng Pangulo.
Samantala, pinapurihan din ni PBBM si Zubiri dahil sa malaking kontribusyon nito sa pamahalaan sa dalawang taong panunungkulan nito bilang senate president.