Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na makialyado sa ibang partidong pulitikal para masigurong llamado ang mga kandidato ng administrasyon sa May 2025 elections. Si PBBM ang pangulo at national chairman ng PFP.

“Uhaw pa rin ang tao para sa pagkakaisa, talagang sa aking palagay, hanggang ngayon ang tao ayaw na nila nag aaway, ayaw na nila ang walang nangyayari dahil puro pulitika na lang ang pinaglalaban puro, ganun ang aking naramdaman mula ng Mayo noong 2022 ay para sa akin, maliwanag na maliwanag ‘yan,” sabi ni Marcos.

“So, to the newly sworn in members to the PFP, welcome. We will make sure that you will find a political home here in the Partido Federal, and beyond that, let us work together, and let us continue to keep in mind tha tthe best way for us to serve our people is to come together and to work as one,” pahayag ni Marcos sa oathtaking ceremony para sa mga bagong miyembro ng PFP nitong Miyerkules, Mayo 1.

Upang matiyak ang tagumpay ng PFP, sinabi ni Marcos na dapat itong maging organisado at panatiliin ang komunikasyon sa hanay ng mga party members.

“So, there’s no way around it. We still have to do it. We still have to do the work. We still have to fight hard. There is no easy election. That is something that I’ve learned,” giit niya.