Humingi ng paumanhin ang veteran journalist na si Ira Panganiban kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista dahil sa mga pambabatikos nito sa kalihim na natuloy sa paghahain ng reklamong cyber libel na inihain ng DOTr chief laban sa kanya.
“I learned an important lesson here and I promise not to make it happen again,” saad ng beteranong mamamahayag na si Ira Panganiban na kanyang ipinost sa social media.
Matatandaan na sinabi ni Panganiban sa kanyang podcast na may malawakang katiwalian sa mga ahensiya ng DOTr na kinasasangkutan ni Bautista na mariing itinanggi ng huli.
Sa matinding galit dahil wala umanong ebidensiya, naghain ng kasong cyber libel si Bautista laban kay Panganiban at Manibela leader Mar Valbuena sa Quezon City Prosecutors Office noong Oktubre 2023.
Ilang oras matapos magsampa ng reklamo si Bautista, sinabi ni Panganiban sa esklusibong panayam ng Pilipinas Today na pinaninindigan niya ang mga akusasyon laban sa kahilim at ang mga impormasyon na kanyang iniere ay nanggaling sa kanyang mga mapagkakatiwalaang sources.
Nitong mga nakaraang buwan, naglabas ng korte ng arrest warrant laban kay Panganiban subalit agad itong naglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.
“Moving forward, I vow to exercise utmost discernment in all my affairs and be responsible in what I say, post or share. I will endeavor to check the facts, to use my platform to present every angle of a story, and to refrain from reiterating unconfirmed statements as if they are absolute truth,” aniya.