Magsasagawa ang House of Representatives ng isang “transformative journey” para iangat ang mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

“This shift is about more than expanding coverage. It’s about ensuring PhilHealth evolves into a pillar of our Universal Health Care System, providing a safety net that is robust, compassionate and equitable,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sa pagpupulong na ginanap sa Spring Brunch at Education Forum sa Tagaytay City noong Sabado, Abril 27, sinabi ni Romualdez na isa sa kanilang hakbangin ay ang pagsasagawa ng comprehensive review sa charter ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang lalong mapabuti ang serbisyo nito sa mga mamamayan.

“We are not just lawmakers. We are collaborators, working closely with executive agencies to uplift the living conditions under President Ferdinand R. Marcos Jr.’s administration,” dagdag pa ni Romualdez.