Makatatanggap ng ng karagdagang sahod ang mga public school teachers kapag ang kanilang pagtuturo ay lumagpas sa six-hour regular daily working schedule, ayon sa inilabas na Department of Education (DepEd) Order No. 005 series of 2024 na inilabas noong Abril 29.

“Any teacher engaged in actual classroom instruction shall not be required to render more than six hours of actual classroom teaching a day, which shall be so scheduled as to give him time for the preparation and correction of exercises and other work incidental to his normal teaching duties,” nakasaad sa Section 13 ng Republic Act No. 4670.

Ayon sa naturang kautusan, lahat ng guro sa mga pampublikong paaralan sa elementary at high school level na full-time basis, under permanent, provisional o substitute ang working status ay makatatanggap na ng ‘overload pay’ na katumbas ng 25 porsiyento ng kanilang buwanang sahod.

Ipinagbunyi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang bagong DepEd order bilang isang ‘tagumpay’ sa kanilang pakikibaka nang matagal na panahon para maitaguyod ang kapakanan ng mga guro.

Ang mga public school teachers ay nakatatanggap ng buwanang sahod sa pagitan ng P27,000 hanggang P63,997, depende sa kanilang ranggo.