Buking na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng nasa likod ng deep fake technology na ginamit sa pamemeke ng boses ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. na ginamit sa isang video.
“May na-identify na po na possible source po nitong deepfake audio po na ito, but as to the extent po ng kaniyang involvement po dito ay iyon po pa rin ‘yung subject ng ating investigation,” sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ay nakikipagugnayan na sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para imbestigahan ang deepfake audio recording ng Presidente Marcos na pineke gamit ang artificial intelligence (AI).
Dagdag ni Fajardo na ang deepfake audio ay tinanggal na ng ACG kasama ang iba pa materials mula sa iba source sa social media pages at YouTube channel.
Ang mga nasabing video materials ay pinagaaralan na ng PNP at DICT na nangunguna sa pag- iimbestigation.
“Whether this is intentional or not, those people behind this deepfake audio will be held accountable,” sinabi ni Fajardo.