Sinabi ng Palasyo ngayong Biyernes, Abril 26, na ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nakapagtala ng mas mababang crime rate kumpara sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binanggit ng Palasyo ang datos mula kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, na nagpresenta ng impormasyon sa Pangulo sa isang pulong nitong Huwebes, Abril 25.
“He pointed out that the peace and order situation in the country has improved with a much lower index crime volume from 196,519 from the pre-pandemic period of July 1, 2016, to April 21, 2018 to 71,544 from July 1, 2022, to April 21, 2024,” saad ng Presidential Communications Office (PCO).
Ayon sa PCO, bumaba rin ang average monthly crime rate sa 15.04 porsiyento sa ilalim ng Marcos administration mula sa dating 21.92 porsiyento noong panahon ni Duterte.