Nais ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian na pagaralan muna ang panukalang ban sa paggamit ng cellphone sa lahat ng basic educational institutions para mas maka-focus ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Maghahain ng resolusyon ang chairman ng Senate Committee on Basic Education na si Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa paggunita ng “National Reading Month” tuwing Nobyembre.

“Isa rin sa mga observation, hindi lang dito sa atin ha, pati sa ibang bansa. Marami sa ating mga bata, talagang nalululong na sa paggamit ng cellphone. Even dun sa loob ng classroom,’ ani ni Gatchalian.

“Dapat nagbabasa sila pero nanonood ng YouTube, nanonood ng Tik Tok. Pinag-aaralan ko ngayon yung i-ban na yung sa mga bata lang, yung paggamit ng cellphone sa loob ng classroom at sa loob ng school hours,” dagdag pa niya.

Ulat ni Erika May Lagat/Intern