Inaprubahan ng US House of Representatives ang Indo-Pacific Supplemental Appropriations Act sa paglalaan ng $8.1 bilyon (₱464.37 bilyon) na emergency aid package sa Taiwan, Pilipinas, at iba pang mga kaalyado sa rehiyon.
Ito ay matapos isulong ni US Representative Darrell Issa ang isang panukalang batas na naghihikayat sa US State Department na maglaan ng $500 milyon (₱28.67 bilyon) para sa Foreign Military Financing sa Pilipinas.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng military package na $95 bilyon (₱5.44 trilyon) para sa mga kaalyado ng Amerika, kabilang ang Ukraine at Israel, may kinakaharap na banta sa seguridad.
Kasama rin sa four-bill package ang isang panukala ang pagbubusal sa social media app na TikTok na pag-aari ng isang Chinese company.
Inaasahang ipapasa ng Senado ang panukala sa susunod na linggo bago ito isumite kay US President Joe Biden upang lagdaan para maging batas.