Inaasahang 16,000 ang bilang ng katao na dadalo sa pinakamalaking Balikatan exercises 39 -2024 na gaganapin mula Abril 22 hanggang Mayo 10, pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kasama sa bilang na ito ang mga kinatawan ng 14 bansa na dadalo bilang observers mula sa Estados Unidos, Brunei, Canada, France, Germany, India, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Singapore, South Korea, Thailand, United Kingdom, at Vietnam.
Sinabi ni Western Command (Wescom) Public Affairs Office chief at spokesperson Capt. Ariel Joseph Coloma na ito na ang pinakamalaking bilateral military exercise ng Pilipinas at kasama ang kanyang pinakamalaking kaalyado. Dinagdag niya na hihigitan pa ang bilang ng mga kasama sa Balikatan ngayon kung ikukumpara sa exercises noong nakaraang taon.
“The activity is very fluid that’s why, we cannot give you the exact number as to how many will be involved in the Wescom Joint Operational Area,” ayon kay Coloma.
Sinabi din ng AFP na bukod sa mga sundalo mula sa Pilipinas at USA, ang Australian Defense Force ay sasasabak din sa mga sea maneuvers at sa kauna-unahang pagkakataon, kasama ang French Navy.