Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Qatar Amir Emir Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani ang siyam na kasunduan sa iba’t ibang aspeto, kabilang ang pagsugpo sa human trafficking at pagtugon sa mga hamon ng climate change.
Si Qatar Amir Emir Sheikh Tamum bin Hamad Al Thani ay kasalukuyang nasa bansa para sa 20-day visit sa Malacanang upang palakasin ang relasyong diplomatiko ng Qatar at Pilipinas.
Bukod sa paglaban sa human trafficking, nagkasundo rin ang dalawang bansa palakasin ang kooperasyon sa pagsusulong ng sports program at pagtaguyod ng kapakanan ng mga kabataan.
Pumayag din ang State of Qatar at gobyerno ng Pilipinas na alisin na ang visa requirements para sa kanilang mga mamamayan na mayroong diplomatic at special o official passports.
Mayroon ding kasuduang nilagdaan sa pagsusulong ng turismo at business events ng dalawang bansa, at pagkakaroon ng mutual recognition sa seafarer’s certificate para sa mga tripulante mula Qatar at Pilipinas.