Nagsimula na ang Balikatan joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at US kung saan nasa 16,700 sundalo ang makikibahagi ngayong Lunes, Abril 22.
Sinasabi na ang ika-39 Balikatan ang pinaka malaking joint military manuevers sa nakaraang apat na dekada na gaganapin mula Abril 22 hanggang Mayo 10 sa Palawan at Batanes.
“Lahat po ng available na assets ng Philippine Army ay gagamitin natin para makita natin ‘yung interoperability nito sa lahat ng major service,” ani ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala.
Itinakda ang Balikatan exercise ngayong taon na nakatutok sa command and control, field training, at humanitarian civic assistance.
Mangangasiwa din ng multilateral maritime exercise sa 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Makakasama rin ang personnel galing sa Australian Defense Force and the Marine Nationale (French Navy), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Department of Information, Communications, and Technology (DICT), Office of Civil Defense (OCD), at Presidential Communications Office (PCO).
Ulat ni Erika May Lagat/Intern