Tiniyak ng Estados Unidos at Hapon ang kanilang support para sa pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas sa naganap ng trilateral summit sa pagitan nila Pangulong Ferdinand Marcos Jr, Pangulong Joe Biden ng Estados Unidos at Prime Minister Kishida Fumo ng Japan.
“We welcome the first trilateral commerce and industry ministers’ meeting that took place earlier today to advance our shared agenda. Our three nations commit to facilitating the steady implementation of ongoing and future economic cooperation projects toward the Philippines’ attainment of upper middle income country status and beyond,” ayon sa joint statement ng Pilipinas, Japan at US.
Sa isang joint statement, inihayag ng tatlong pinuno ang pagkakaroon ng isang Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas na nagdulot ng higit sa P1 bilyong investment mula sa pribadong sektor ng Estados Unidos para suportahan ang innovation economy at clean energy transition ng Pilipinas.
Ang nasabing proyekto ay magpapatibay din sa supply chain at tutulong sa pagsulong na madagdagan ang investment mula sa pribadong sector mula sa US. Samantala, pinapurihan ng Pangulong Marcos ang Official Development Assistance (ODA) at private sector investment ng Japan mula sa 2022-2023 fiscal year.
Ang halaga ng ODA ay lumagpas sa pledge ng Japan na nagkakahalaga ng Y600 billion na nakapaloob sa 2023 Japan-Philippines Joint Statement.
Napagkasunduan din ng tatlong pinuno na lalong paigtingin ang inclusive economic growth at ang pagtulong na mas maging matatag ang ekonomiya ng kanya-kanyang bansa kasama na ang buong Indo-Pacific, habang isinasagawa ang mga proyektong makakatulong sa ekonomiya, alingsunod sa mithiin ng lahat.
Kabilang sa mga layunin ng mga bansa ay ang pag-sulong ng broad-based at sustainable economic growth at ang pag-iimpok sa mas matatag, reliable at diversified supply chains.