Ito ang inihayag ni Colonel Jean Fajardo, hepe ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, sa press conference sa Camp Crame nitong Huwebes, Abril 11, kasunod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa ilegal na paggamit ng mga sirena at blinker.
“Wala po tayong sisinuhin sa pagi-implement at pag enforce ng PD96 regardless ng estate nila sa buhay document po ninyo ‘yan at ipadala sa amin regardless kung ikaw ay naka SUV (sports utility vehicle) o nakasakay sa isang ordinaryong motor at kotse at dapat lahat tayo ay sumunod sa batas,” sinabi ni Fajardo.
Nilagdaan ni Marcos ang Administrative Order (AO) 18 ay mahigpit na nilang ipinapatupad ang Presidential Decree 96 na inisyu ng yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. noong 1973 laban sa hindi awtorisadong paggamit ng mga sirena, blinker, at mga katulad na kagamitan.
Idiniin pa ni Fajardo ang mga probisyon ng AO 18, na inilabas ni Marcos nitong Huwebes, Abril 11, na tanging ang mga sasakyan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP), fire truck, at iba pang emergency vehicle tulad ng mga ambulansya ang pinapayagang gumamit ng mga blinker at sirena.