Naglabas ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) ng panibagong warrant of arrest laban sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder na si Apollo Quiboloy sa kasong qualified human trafficking.

Ito ang ikalawang arrest warrant na inilabas laban kay Apollo Quiboloy matapos ipagutos ang pag-aresto ng Davao City RTC laban sa religious sect leader at limang kasamahan nito kaugnay sa kasong child aat sexual abuse.

Bukod dito, una ring naglabas ng Kongreso ng arrest warrant laban kay Quiboloy dahil sa ilang ulit nitong pagdedma sa subpoena na inilabas ng dalawang kapulungan hinggil sa isinasagawang imbestigasyon laban sa kanya.

Samantala, tiniyak ni Atty. Israelito Torreo, abogado ni Quiboloy, na nasa bansa pa rin ito sa kabila nang pagsusumikap ng mga awtoridad na ito ay maaresto at panagutin sa batas.