Nananatiling blanko sa tunay at buong impormasyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa diumano’y pinasok na “gentleman’s agreement” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jingpin hinggil sa isyu ng pananatili ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“Kung ang sinasabi sa agreement na ‘yan na kailangan tayong magpermiso sa ibang bansa para gumalaw sa ating sariling teritoryo, mahirap sigurong sundan ‘yung ganyang klaseng…I am horrified by the idea that we have compromised into a secret agreement the territory, the sovereignty, and the sovereign rights of the Filipinos,” sabi ni Marcos.
Dahil dito, ipatatawag ng Pangulo ang Chinese ambassador sa Maynila upang pagpaliwanagin kung ano ang nilalaman ng diumano’y “secret deal” nina Duterte at Xi na, aniya’y, posibleng nailagay sa alanganin ang Pilipinas.
“We don’t know anything about it. There is no documentation. There is no record. There is no…we were not briefed when I came into office,” giit ng Pangulo.
“We are trying to relate up to now because from the former administration, iba-iba ang sagot eh,” paliwanag ni Marcos tungkol sa nagsasabong na pahayag nila dating Presidential spokesman Atty. Harry Roque at dating Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, na kapwa nagsilbi noong termino ni Duterte.