Tatapatan ng People’s Republic of China (PROC) ang isinasagawang joint naval exercises ng Pilipinas, US, Australia at Japan sa South China Sea na buong inaangkin nito sa kabila ng umiiral na 200-mile exclusive economic zone ng mga claimant-countries sa rehiyon.
“All military activities that mess up the situation in the South China Sea and create hot spots are under control,” pahayag People’s Liberation Army (PLA) ng China.
Ito ay matapos simulan nitong Linggo, Abril 7, ang malaking joint naval at air exercises ng Pilinas, US, Australia at Japan sa South China Sea na ikinairita ng China.
Ang naval at air manuevers ay ikinasa ng apat na magkakaalyadong bansa sa South China Sea ilang araw bago ang pagpupulong ni US President Joe Biden sa mga lider ng Pilipinas at Japan na pawang nababahala na sa pambu-bully ng China Coast Guard sa West Philippine Sea.