Ayon sa report ng Washington Post, batay sa ulat ng fire department ng Taiwan, hindi bababa sa pitong katao ang nasawi habang may 736 na nasugatan ngayong Miyerkules, Abril 3, sa malakas na lindol sa Taiwan na nagpaguho sa ilang gusali at nagdulot ng mga tsunami warnings na umabot sa Japan at Pilipinas.
“The earthquake is close to land and it’s shallow. It’s felt all over Taiwan and offshore islands,” saad ni Wu Chien-fu, director ng Taipei Central Weather Administration’s Seismology Center.
Naramdaman ang malakas na lindol sa Taipei alas-7:58 ng umaga, kung saan natunton ng United States Geological Survey (USGS) ang epicenter sa 18 kilometro (11 milya) sa katimugang bahagi ng Hualien City ng Taiwan, at na may lalim na 34.8 kilometro.
Ito ang pinakamalaking lindol na tumama sa Taiwan matapos ang 25 taon at naramdaman din sa ilang bahagi ng China.
Sinabi ni Wu na ang pinakamalakas na lindol na tumama sa Taiwan ang 7.6-magnitude noong Setyembre 1999, na ikinamatay ng humigit-kumulang 2,400 katao.