Iginiit ni Atty. Harry Roque na napapanahon na nai-decommission ang BRP Sierra Madre, isang World War II era military vessel na ipinosisyon ng gobyerno ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
“What we should do is we should decommission [BRP] Sierra Madre as a military vessel and make it into a Coast Guard vessel so that it will not be a militarized vessel,” ayon kay former presidential spokesman Atty. Harry Roque.
Sa panayam sa programang ‘Headstart’ ng ANC, sinabi ng dating tagapagsalita ni former President Rodrigo Duterte na hindi tantantanan ng China ang mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal hanggang ang BRP Sierra Madre ay itinuturing nito bilang isang military vessel.
“The presence of BRP Sierra Madre militarized Ayungin,” giit ni Roque. Ito, aniya, ang dahilan sa walang tigil na pambu-bully ng China Coast Guard (CCG) sa mga resupply vessel ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Pinaliwanag din ni Roque na base sa Paragraph 1162 ng Arbitrary Ruling, ang pinaka-konsepto ng “exclusive economic zone” ng bawat claimant country ay dapat hindi isang “militarized zone” ang lugar na kanilang inaangking teritoryo.
Iminungkahi ni Roque na agad na i-decommission ang BRP Sierra Madre at i-convert ito na isang PCG vessel.