Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng isang national organizing council (NOC) para sa pagho-host ng Pilipinas sa malaking pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2026.
”It is imperative to constitute and national organizing council to organize, manage, and supervise all major and ancillary programs, activities, and projects related to the hosting of ASEAN 2026 in the country,” ayon kay Pangulong Ferdinand r. Marcos Jr.
Nilagdaan ni Marcos noong Marso 22, nakasaad sa Administrative Order No. 17 na napagkasunduan noong Setyembre 2023 ng regional bloc na ang Pilipinas ang chairman ng ASEAN at gaganapin ang summit meeting nito sa 2026.
Sinabi ng Pangulo na ang ASEAN national organizing council, na pinamumunuan ng executive secretary, ang magbabalangkas ng master plan para sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN 2026.
Dapat, aniya, itong isumite sa kanya sa loob ng 60 araw mula sa paglabas ng AO No. 17 at i-upload sa Official Gazette noong Marso 31.
Isinasaad ng AO na ang lahat ng chief executives of localities na napili upang magsilbi bilang mga site para sa pagho-host ng ASEAN 2026 ay maaaring maimbitahan bilang mga espesyal na miyembro ng mga komite ng ASEAN NOC.