Proud na ipinost ng TV host-singer na si Karla Estrada ang mensahe ng pasasalamat sa kanya ni House Speaker Martin Romualdez bilang masipag na kinatawan ng Tingog Party-list: “She’s all over the place… doing her work. Sinasagad mo talaga ‘yan, nakikilala talaga ang Tingog, hindi lang sa rehiyon, pero sa buong bansa kaya maraming-maraming salamat.”

Aktibo si Estrada sa pag-iikot sa bansa para pangunahan ang paghahandog ng Tingog Party-list ng iba’t ibang social services sa marginalized sector.

“I would like to thank you, and I know that you have future plans and, I wish you all the luck. And I support you in whatever you finally decide to do,” sabi pa ni House Speaker Martin Romualdez kay Karla.

Maybahay ni Romualdez si Rep. Yedda Marie Romualdez ng Tingog Party-list.