Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mga Pilipinong nasa edad isa hanggang apat ay maaari nang mairehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).
“The PhilSys Number (PSN) or permanent identification number of the child that will be generated will be linked to the accompanying parent or guardian,” pahayag ng PSA.
Maaaring ipakita ang alinman sa mga sumusunod na sumusuportang dokumento para sa pagpaparehistro:
- Certificate of Live Birth issued by the PSA or the Local Civil Registry Office (LCRO);
- Report of Birth issued by the PSA or Philippine Foreign Service Post (PFSP);
- Certificate of Foundling issued by the PSA;
- Certificate of Foundling or Certificate of Live Birth or Persons with No Known Parent/s issued by the PSA;
- Municipal Form No. 102;
- Philippine Passport or ePassport issued by the Department of Foreign Affairs (DFA);
- anumang dokumentong nagpapakita ng buong pangalan ng bata, petsa at lugar ng kapanganakan, ang buong pangalan ng ina, at ang buong pangalan ng ama, kung kinikilala.
“Only when the child reaches the age of five will their complete biometric information be captured, including the fingerprints, iris scan, and the updated front-facing photograph,” sabi pa ng PSA.