Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular No. 45 na nagdedeklara ng half-day ng trabaho para sa mga tanggapan ng gobyerno sa Miyerkules Santo, Marso 29, upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga ito na gunitain ang Huwebes Santo at Biyernes Santo.
“To provide government employees full opportunity to properly observe Maundy Thursday and Good Friday on 28-29 March 2024 and to allow them to travel to and from the different regions in the country, work in government offices on 27 March 2024 is hereby suspended from 12:00 o’clock in the afternoon onwards,” nakasaad sa circular na nilagdaan ni Bersamin.
“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” ayon sa MC No. 45.
Samantala, ang pagsususpinde ng trabaho sa pribadong sektor ay hinahayaan ng Malacanang sa desisyon ng kani-kanilang employer.