Malugod na tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules, Marso 20 ang 23 local officials bilang mga bagong miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) bago mag-adjourn ang House of Representatives para sa Semana Santa.
“As you officially become part of our political family, I am confident that your energy, passion, and ideas will invigorate our collective efforts towards realizing a brighter future for all Filipinos,” pahayag ni Romualdez.
Bilang Lakas-CMD president, pinangunahan ni Romualdez, ang oath taking para sa mga bagong miyembro ng partido, kabilang ang isang dating mambabatas at 22 iba pang lokal na opisyal mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa seremonya na ginanap sa Social Hall ng Speaker’s Office, kabilang sa nanumpa bilang Lakas-CMD members ay si dating Nueva Ecija Rep. Micaela Violago, na dating miyembro ng National Unity Party (NUP).