Nakatanggap ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nakabase sa Oriental Mindoro ng P600,000 halaga ng food at cash assistance na inisyatibo ni House Speaker Martin Romualdez, Tingog party-list, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes, Marso 21.
“Ipinaaabot po ni Speaker Romualdez at ng Tingog Party-list ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa serbisyong inyong hinahatid para sa pagtatanggol sa ating mga mamamayan,” sabi ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada Jr. bilang kinatawan ni Speaker Martin Romualdez.
Sa ginanap na turnover ceremony, tumanggap ang 402nd Infantry Brigade at Police Regional Office 4-B ng tig-P300,000 cash assistance; at P200,000 halaga ng bigas, noodles, canned goods at noodles, at P100,000 cash.
“Ipinaaabot po ni Speaker Romualdez at ng Tingog Party-list ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa serbisyong inyong hinahatid para sa pagtatanggol sa ating mga mamamayan,” sabi ni Deputy Secretary General Sofonias Gabonada Jr.
Si Brig. Gen. Adonis Ariel Orio ang tumanggap ng ayuda para sa Philippine Army habang si Brig. Gen. Kirby Brion Kraft ang para sa PNP.
Una nang umarangkada ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Oriental Mindoro nitong mga nakaraang araw kung saan tumanggap ang mga residente ng lalawigan ng P1.2 bilyong halaga ng cash assistance at programa mula sa gobyerno.