Lumitaw sa datos Philippine Statistics Authority (PSA) sa 2022 na ang median age para magpakasal ang mga babae ay karaniwang nasa 28 anyos habang sa mga lalaki naman ay 30 anyos.
Binigyan pansin din ng PSA ang pagtaas ng median age kumpara noong 2021 kung kailan nagpapakasal ang dalawang kasarian na karaniwang nasa 27 anyos sa hanay ng mga babae at 29 naman sa lalaki.
Saad ng officer ng Commission on Population and Development in Central Visayas (Popcom-7) Maria Lourdes Garillos ang datos na inilabas ng PSA ay matuturing na “responsible age”.
Nabanggit din ng PSA ang pagtaas sa registered marriages, mula sa 356,839 noong 2021 hanggang sa 449,428 sa taong 2022.
Hindi pa naman naglalabas ang PSA ng buong detalye ng survey nila, kung saan pwedeng malagay kung bakit gusto ng mga magkasintahan na magpakasal sa edad na 28 hanggang 30 anyos.
Ulat ni Erika May Lagat/Intern