Nagdeklara ang Quezon City government ng pertussis outbreak dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nito sa siyudad kung saan apat na ang kumpirmadong nasawi dahil sa naturang nakahahawang sakit.
“There is no need to panic. We are making this announcement to make everyone more prepared and remain vigilant. Ang deklarasyon natin ay pagsiguro na we are on top of the situation, and we will do whatever it takes to curb the spread of this disease. We are mobilizing our own resources towards procuring the needed vaccines to keep our children safe, until such time the DOH supply arrives,” sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Simula Enero hanggang Marso 20, umabot sa 23 ang bilang ng kaso ng pertussis o whopping cough sa Quezon City, ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.
“The increasing number of pertussis cases is alarming and we are taking the necessary steps to prevent further transmission of the disease. We are extending our call to QCitizens who are experiencing symptoms to seek medical care in our health centers,” giit ni Belmonte.
Inatasan na rin ng alkalde ang Epidemiology and Disease Surveillance Division na magpatupad ng prophylaxis measures upang maiwasan pa ang pagkalat ng naturang karamdaman kung saan ang karaniwang biktima ay mga sanggol at paslit.